-- Advertisements --

Positibo ang Palasyo ng Malakanyang na magkakaroon din ng pagtaas sa sweldo ng mga guro sa ating bansa.

Ipinahayag ito ni acting presidential spokesperson and Communications Secretary Martin Andanar at sinabing hindi ito malayong mangyari sa gitna ng pandemyang kinakaharap pa rin ng bansa dahil mahal aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga gababayan nating guro.

Sinabi rin ni Andanar na kakausapin niya si Education Secretary Leonor Briones para sa mga updates hinggil sa planong pagtataas sa sahod ng mga guro.

Samantala, una rito ay muling nanawagan ang grupong Alliance of Concerned Teachers para sa salary increase dahil sa pagdurusang nararanasan anila ng kanilang pamilya na dulot naman ng mataas na halaga ng mga bilihin at iba pang services dahil pa rin sa walang humpay na pagtaas ng produktong petrolyo.

Magugunita na noong Marso noong nakaraang taon ay sinabi ni Pangulong Duterte na naudlot ng COVID-19 pandemic ang planong taasan pa ang sahod ng mga guro ngunit gayunpaman ay binanggit nito na siya ay nag-iipon ng mga pondo para maibigay aniya ang dagdag sahod na nararapat para sa mga ito.Top