-- Advertisements --

Hinikayat ng Malacañang ang publiko na maging maingat sa paniniwala sa mga binabasang artikulo at huwag magpadala sa mga pekeng balita kaugnay sa hosting ng Pilipinas sa 2019 South East Asian Games (SEA Games).

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, tinututukan ng Malacañang ang pag-hosti ng bansa sa SEA Games at bagama’t hindi maiiwasan sa panig ng mga host countries na magkakaroon ng mga problema bago at habang ginaganap ang palaro, dapat ay mas pagbutihin pa ng Philippine SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) ang kanilang serbisyo.

Ayon kay Sec. Panelo, welcome sa Malacañang ang isasagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa mga isyu ng SEA Games. Gayunman, magsasagawa pa rin umano ng hiwalay na imbestigasyon ang Office of the President.

Nananawagan din ang Malacañang sa media na maging maingat sa pagbabalita at huwag maglabas ng mga impormasyong hindi beripikado.

“We ask everyone to be more circumspect in reading articles that may contain false information or fake news. Let us not believe them outright. Many of them turn out to be untrue. We call on media outfits to be more prudent in their reporting and avoid publishing information without verification, as allegations are remembered, not their clarifications or justifications,” ani Sec. Panelo.