Ipinaabot ngayon ng Malacañang sa Otso Diretso ang pasasalamat sa magandang labang ipinakita sa katatapos na midterm elections.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, gaya ng kanilang sinasabi, iginagalang nila ang pagkakaiba ng paninindigan dahil pinapasigla nito ang demokrasya sa bansa at sa bandang huli, kagustuhan ng mamamayan ang mangingibabaw.
Ayon kay Sec. Panelo, umaasa naman sila na magiging patas ag oposisyon sa kanilang kritisismo at anumang hakbang na gagawin ay naaayon sa batas at may pagkilala sa mga otoridad o lider na pinili ng mga botante.
Una ng inihayag ni Sec. Panelo na ang pagkatalo ng Otso Diretso sa mga pambato ng administrasyon ay pagpapakita ng nakararami sa suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang administrasyon.
“To the Otso Diretso candidates and their supporters, we thank you for giving your best shot and fighting a good battle. As we have said, we respect dissent as it vitalizes the democracy of our nation. In the end, however, it is the will of the people that prevails,” ani Sec. Panelo.