-- Advertisements --

Good news para sa Malakanyang ang pagkakarekober ng pamahalaan ng P65 milyong piso mula sa may 38 mga paaralan na kalahok sa nadiskubreng maanomalyang Senior Highschool Voucher Program.

Ayon kay Palace Press Officer Atty Claire Castro na ang ghost students anomaly ay nangyari sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.

Binigyang diin ni Atty Castro na kung Hindi pa naging Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon si Secretary Sonny Angara ay baka Hindi pa ito nasiyasat at mababawi ang P65 million.

Dahil sa nallantad na iregularidad, sinabi ni Castro na Hindi na mapupunta sa basurahan ang Kagawaran ng Edukasyon

Sa 54 na mga private schools na na – flagged down ay 38 pa lamang ang nagbigay ng kanilang refund sa gobyerno habang may labing apat pang dapat na magsauli Ng Pera sa pamahalaan.