-- Advertisements --

Maituturing pa rin ng Malakanyang bilang good news ang 17% na tariff rate na ipapataw ngayon ng US sa mga produktong ini-export ng Pilipinas sa nasabing bansa.

Ayon kay palace press officer USec claire castro na minimal effect lamang ang idudulot nito kumpara aniya sa ibang mga bansa na mas malaki ang ipinataw na tariff.

Hinikayat ni Castro ang ibang mga bansang pinatawan ng amerika ng mas mataas na tarrif na ilipat na lamang o palawakin ang kanilang negosyo at dalhin dito sa Pilipinas .

Ilan lamang sa mga bansang pinatawan ng amerika ng mas mataas na tariff rates ay ang Indonesia 32%, Vietnam 46% at Cambodia 49%.

Batay sa nauna nang pahayag ng dept of trade and industry, sinabi ni dti secretary maria cristina roque na mahigpit silang nagbabantay at tinatantiya ang potensiyal na epekto nito sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay roque, habang sa inisyal nilang analysis ay nagpapakita, na ang direktang epekto ng pagpapataw ng 17% tarrif rate sa pilipinas ay mas mababa kumpara sa ibang mga bansa sa asean, kinikilala pa rin ng pamahalaan ang kahalagahan ng pro active engagement.

Dagdag pa ni Sec. Roque, nananatiling mahalagang export market para sa bansa ang estados unidos na may katumbas na 17% ng kabuuang exports ng bansa hanggang nitong 2024.

Sinabi ni Roque, 53% ng electronic products ng pilipinas ay iniluluwas sa amerika, habang mahalaga rin aniya ang papel ng us bilang pangunahing source ng ating agricultural imports o kumakatawan sa 20% ng ating supply.

Patunay aniya ito ng pagiging maasahang partner ng Pilipinas ang Amerika para matiyak ang food security ng bansa.