Nagpahayag ang Malacañang ng suporta sa kautusan ni Labor Secretary Silvestre Bello III na repasuhin ang minimum wage ng bansa.
Ito ay sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo na pinalala ng sitwasyon sa Ukraine.
Ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar,
siya ay sumasang-ayon na ang mga minimum wage earners ay dapat kumita ng mas malaki dahil ang kanilang kasalukuyang suweldo ay hindi sapat para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Napag-alaman na sa isang pahayag nitong Miyerkules, sinabi ni Bello na maaaring hindi na sapat ang minimum na sahod sa National Capital Region para sa mga manggagawa at kanilang pamilya.
Sinabi ni Bello na iniutos niya sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards sa buong bansa na madaliin ang pagrepaso sa minimum wages.