Walang magagawa ang Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa nakatakdang pagpapatupad sa P5 fare hike sa LRT.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro gustuhin man ng gobyerno na hindi ito matuloy, subalit nakasaad ito sa kontrata at matagal na dapat nagtaas ng pamasahe subalit hinaharang ito para sa kapakanan ng mga commuters.
Tugon ito ni Castro sa tanong kung may plano ba ang gobyerno na harangin ang nakaambang P5 na dagdag pamasahe sa LRT.
Dagdag pa ni USec Castro kapag hindi natupad ng gobyerno ang implementasyon na taas pamasahe sa LRT mag reresulta ito ng malaking problema sa mga commuters.
Dahil sa nakaambang taas pamasahe sa LRT, nakatakdang umapela ang ilang progresibong grupo sa Malakanyang para ihinto ang pagtaas ng P5 na fare hike na magiging epekto na sa Miyekules April 2,2025.
Ayon din sa mga commuters pabigat sa kanila ang P5 fare hike.
” Gustuhin po natin man ‘no, gustuhin po ng administrasyon na ito po ay hindi muna maituloy pero iyan po kasi ang nakasaad sa kontrata. Kung hindi po ako nagkakamali, nabanggit po ito na matagal na po dapat nagtaas ng presyo pero hino-hold po ito para po sa ating mga commuters. Pero tingnan din po natin ang sitwasyon kapag kasama po kasi ito sa kontrata at hindi po itinupad or natupad ng gobyerno ay mas magkakaroon po nang malaking problema ang ating mga commuters,” pahayag ni USec. Claire Castro.