-- Advertisements --

Nilinaw ng Malacañang na hindi kailanman natitinag ang buong tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Department of Defense (DND) Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro Jr.

Ginawa ni Presidential Communications Office (PCO) Sec. Cesar Chavez ang pahayag matapos kumalat sa social media ang umano’y pagbibitiw sa puwesto ni Teodoro.

Binigyang-diin ni Chavez na ang mga bulung-bulungan na taliwas dito ay mga kahiya-hiyang pagtatangkang maghasik ng hidwaan sa isang organisasyon na nagkakaisa sa pagprotekta sa ating mga mamamayan at pagtatanggol sa ating teritoryo.

Bagama’t abala aniya sa magkakaibang misyon, sinabi pa ni Chavez na nararapat lamang na iwasan ang mga nakakabawas sa moral na pulitika na wala namang puwang sa kanilang hanay.