-- Advertisements --

Tiwala ang Malacañang na magagampanan ni dating senator Gregorio “Gringo” Honasan ang kaniyang bagong trabaho matapos na maitalaga bilang bagong kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sinabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo, na malaki ang trabahong nakaatang ngayon sa dating senador dahil marami ang umaasa na tuluyan ng maging operational ang ikatlong major telecommunications player.

Inaasahan din nito na maipagpapatuloy niya ang mga programa na ipinatupad ng pinalitan niyang si Eliseo Mijares Rio Jr.

Magugunitang noon pag Nobyembre ay inanunsiyo na ni Pangulong Rodrigo Duterte na uupong kalihim ng DICT ang senador.