Nanawagan ang Malacañang sa mga Pilipinong botante abroad na gamitin ang kanilang karapatang makaboto, mag-halal ng nararapat na kandidato, at huwag magpadala sa bulong o impluwensya ng ilan, sa gagawing pagboto.
Ito’y kasunod sa pagsisimula ng overseas voting, na tatagal hanggang sa Mayo.
Hinikayat naman ni Palace Press Officer USec. Claire Castro ang mga overseas voter na bumuto mula sa puso, at hindi dahil sila ay nabayaran.
Giit ng opisyal, kailangan aniyang piliin ang mga lider na karapat-dapat, maaasahan, at hindi bi-benta ang bansa sa ibang nasyon.
Ang kailangan aniya ng Pilipinas ay iyong mga lider na makabayan.
Sa ngayon gumugulong na rin ang internet voting, para sa OFWs.
Umaasa ang Palasyo na maging maayos ang resulta ng sistemang ito, lalo’t pabibilisin nito ang pagboto ng mga Pilipino sa ibang bansa.