-- Advertisements --

Umaapela ang Malacañang sa Kongreso na magdeklara na ng national emergency at bigyan ng special powers si Pangulong Rodrigo Duterte para masolusyunan ang krisis na dulot ng COVID-19 sa bansa. 

Sa liham na ipinadala kay Senate President Vicente Sotto III na may petsang Marso 21, 2020, binigyan diin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan nang agarang pag-apruba sa panukalang batas na magpapahintulot sa gobyerno na pansamantalang mag-take over o pangasiwaan ang operation ng mga privately owned na public utilities at business.  

Ang panukalang ito, na wala pang sponsor sa Kongreso sa kasalukuyan, ay inaasahan na matalakay sa special session bukas na ipinatawag mismo ni Pangulong Duterte. 

Nakasaad dito na may awtoridad ang Pangulo na pansamantalang mag-take over o pangasiwaan ang operation ng alinmang privately-owned public utility o negosyo tulad ng hotels, public transportation, at telecommunications entities.

Ang mga hotels na ito ay gagamitin bilang pansamantalang tirahan ng mga health workers o magsisilbing quarantine centers o medical relief at aid distribution centers, habang ang public transportation ang siya g magsasakaya sa mga health, emergency at frontline personnel.

Ang pag-take over naman sa telecommunication entities ay naglayong matiyak na uninterrupted ang linya ng komunikasyon sa pagitan ng gobyerno at publiml.