Tinyak ng Malakanyang na nakalatag na ang kanilang contingeny plan kaugnay sa nakatakdang transport group strike na magsisimula na sa Lunes, March 6,2023.
Kabilang dito ang pagbuo ng Palasyo ng isang Inter-Agency Monitoring Team bilang bahagi ng paghahanda sa ikinakasang transport strike.
Ang Inter-Agency Monitoring Team ay nilikha sa pamamagitan ng Office of the Executive Secretary.
Layunin nito na maging handa ang pamahalaan sa anumang posibleng epekto ng isasagawang welga ng mga nasa sektor ng transportasyon, nauna ng nagpahayag ng pagtutol sa unang deadline na itinakda para sa transport modernization.
Bahagi ng gagawing hakbang ng Inter-Agency Monitoring Team na makapaghanda ng ilang contingencies para mabawasan ang anumang epekto sa mga commuters sa gagawing tigil-pasada.
Una ng nagpahayag si Pangulong Marcos Jr. na kailangan na talaga ang Public Utility Vehicle Modernization Program ngunit kailangan pa ring pag-usapan ang gagawing pagpapatupad dito.
Inihayag naman ni Transportation Secretary Jaime Bautista na selected areas ang ipatutupad na phase out ng mga lumang jeepney.