-- Advertisements --

Bumwelta ang Malakanyang sa naging paratang ni Vice President Sara Duterte na iniwan na siya ng gobyerno at maging ang Office of the Vice President.

Ibinalik ng Palasyo kay VP Sara ang naging pahayag nito.

Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro na masyadong pangkalahatan o general ang pahayag ng bise presidente.

Sinabi ni Castro walang nang iwan kay Vice President Duterte, o baka si VP Sara ang nang iwan sa gobyerno.

Giit ni Castro na gusto lamang aniyang palabasin ni VP duterte na kaawa awa siya sa mata ng publiko at ang OVP subalit kung tutuusin binigyan aniya ng pagkakataon ang pangalawang Pangulo na idipensa ang paggamit nito ng P120bilyong pisong intelligence at confidential funds subalit bigo nitong ginawa.

Paliwanag ni castro, hindi hinahadlangan ng pamahalaan na bigyan ng tamang buget ang ovp, kung ito ay maipaliliwanag lamang nang maayos.