Hindi na papatulan ng Office of the President ang mga patutsada ni Vice President Sara Duterte sa naging press briefing nito kaninang umaga.
Ayon kay Presidential COmmunications Office Secretary Cesar Chavez na hindi maglalabas ng pahayag ang Palasyo kaugnay sa mga atake ni Vice President Sara Duterte.
Mababatid na maaanghang ang mga binitawan na salita ni VP Sara kanina sa sitdown interview nito laban kay Pangulong Bongbong Marcos at sa pamumuno nito sa bansa.
Kabilang dito ang pagsasalarawan nyang hindi marunong ang Presidente na nakaupo, at nasa “road to hell” ngayon ang Pilipinas.
Ibinahagi rin ng Vice President sa kanyang presson na pinagbantaan nito si Senator Imee Marcos sa kanilang group chat na kung hindi anya titigil ang kanilang kampo, ay huhukayin nito ang labi ni Ferdinand Marcos Sr. sa libingan ng mga bayani at itatapon sa West Philippine Sea.
Bumwelta rin ang Bise Presidente sa “deception” na sinabi ng Pangulo, matapos matanong sa interview sa Lao kung ano ang saloobin nito sa sinabi ni Sara na hindi sila magkaibigan.
Maaalalang buwag na ang uniteam tandem ni Pangulong Marcos at VP Sara, matapos mag resign sa gabinete ang Bise Presidente noong Hunyo.