Aminado ang Malakanyang na nagkaroon ng maraming hamon dahilan na hindi naipatupad kaagad ang campaign promise ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., na gawing P20 kada kilo ang presyo ng bigas.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro,mahigpit na pinag-aralan ng mga concerned government agencies ang nasabing programa kaya ngayong taon lamang naipatupad ito at sisimulan na sa susunod na linggo at ang pilot implementation ay sa Visayas.
Sinabi ni Castro batay sa ginawang pag-aaral, nakita ng pamahalaan na maaring ipatupad ang P20 kada kilo ang bigas sa pamamagitan ng subsidiya mula sa pamahalaan.
Kahapon inihayag ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na maglalaan ang pamahalaan ng mahigit P4billion na pondo para sa rice subsidy.
Nilinaw din ng Palasyo na walang kinalaman sa pagbaba sa trust and approval ratings ng Pangulong Marcos ang anunsiyo kaugnay sa implemenstasyon ng P20 kada kilo na bigas.
Binigyang-diin ng Palace Official matagal na itong pinaplano bagkus nagkaroon ng meeting dito kasama ang Department of Agriculture at National Food Authority (NFA) bago pa lumabas ang resulta ng survey.
Batay kasi sa survey tinuturo na ang dahilan ng pagbaba sa trust and approval ratings ng Pangulo ay ang mataas na presyo ng mga bilihin lalo na ang bigas.
Panawagan ni Castro sa publiko maganda ang hangarin ng programa kaya huwag na magpa negatibo at huwag itong tingnan na isang pamumulitika.