-- Advertisements --

Dumepensa ang Malakanyang sa panibagong banat ni Vice President Sara Duterte na papunta umanong basurahan ang Pilipinas dahil sa administrasyong Marcos.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na maaaring nasasabi ito ni VP Sara dahil bulag ito sa mga ginagawa ng pamahalaan.

Marahil anya ay sadyang hindi inaalam ng bise presidente ang mga programa at proyekto ng administrasyon na nakatutulong sa taumbayan.

Nagpasaring pa si Castro kay Duterte sa pagsasabing ang kinakantyawan nitong walang ginagawa ay nasa Pilipinas at nagta-trabaho samantalang siya ay nasa ibang bansa.

Ipinagmamalaki ng gobyerno ang mga proyekto at programa ng Marcos administration na makikinabang ang sambayanang Pilipino.
” Nawawala ang pag-asa ng mga Pilipino—hindi ba siya iyong nawawala sa Pilipinas ngayon? Anyway, siguro sinasabi niya iyan na road to perdition na tayo, bakit? Dahil hindi naman niya nakikita kung ano ang mga ginagawa, mga proyekto, programang naisagawa na at naitulong na ng pamahalaan sa taumbayan dahil malamang ay hindi siya nanunood ng ating press briefing every day at hindi rin naman siguro siya nanunood ng mga programang ipinapalabas sa PTV4 at saka sa RTVM.
Talagang mabubulagan siya kapag hindi po niya inaalam kung ano ang naging trabaho at magiging trabaho ng administrasyon sa pangunguna ni Pangulong Marcos. Okay.
Now, hindi ba mas magiging mapupunta tayo sa dumpster kung ang magiging pangulo natin o ang magiging leader natin ay mga katulad nila VP Sara, na mas inuuna pang magpunta sa abroad, magsilbi sa isang tao, although tatay niya po iyon, pero marami pa rin pong Pilipino na umaasa sa kaniya bilang bise presidente. Mahihirapan po tayong magkaroon ng Pangulo kung lagi pong nasa abroad at hindi po ginagawa ang trabaho dito sa Pilipinas,” pahayag ni Usec. Castro.