-- Advertisements --

Ipauubaya na ng Palasyo ng Malakanyang sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pagtugon sa freeze order sa mga assets ng mga akusado partikular kay dating Pangulo Rodrigo Duterte na nahatulang guilty sa kasong crime against humanity at sakaling hilingin ito ng International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro walang sinisino ang AMLC kaya sila ang tutugon sakaling may kahilingan.

Sa sandaling magkaruon ng freeze request sa asset ng dating Pangulo tutugunan ito ng AMLC.

Ayon kay Castri kung tutuusin ay nuon pa dapat sana nai -freeze ang assets ng dating Presidente na may kaugnayan naman sa plunder case na isinampa ni dating Senador Antonio Trillanes.

Bukod kay Duterte ay Kasama din sa kinasuhan ni Trillanes si Senador Bong Go.

Dagdag ni Castro na kung kinakailangang mabigyan din ng danyos ang mga naging biktima ng EJK ay kanilang gagawin bilang bahagi na din ng pagbibigay ng hustisya .