Ipinauubaya na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa mga otoridad sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) sa posibleng legal na aksyon kaugnay ng ipinakalat na manipulated video o tinaguriang polvoron video.
Muling lumutang ang manipulated video sa pagdinig ng tricom ng kamara kung saan ibinunyag ng isang vlogger, na si dating presidential spokesperson harry roque ang umanoy nasa likod ng pagpapakalat ng nasabing dinoktor na video.
Ayon kay Palace Press Officer USec Claire CAstro na hindi na bago para sa Malakanyang ang isyung ito.
Sinabi ni Castro na dati na aniyang lumabas ito sa isang rally sa Vancouver, Canada kung saan sinabing si Roque umano ang nasa likod ng pagpapakalat ng video na galing sa isa ring vlogger, kung saan sa video ay pinalalabas na gumagamit ng iligal na droga ang pangulo.
Iginiit ni Castro na inimbestigahan na ito ng mga otoridad maging ng isang deep fake analysis unit na naka base sa india at napatunayang ito ay manipulated face swap o dinoktor.
Ayon kay Castro, sa puntong ito ay napatunayan na hindi totoo ang pinakalat na video at hindi totoo ang paratang laban sa pangulo.
Binigyang diin ni Castro na nais ng Pangulo na kung makikita ng NBI at DOJ na may pananagutan ang sinumang nasa likod nito ay dapat lamang masampahan ng kaso.