-- Advertisements --

Ipinauubaya na ng Malakanyang sa Commission on Elections (COMELEC) ang pagsuri at pagtukoy kung sasamantalahin ng ilang politiko o kandidato ang nakatakdang bentahan ng pamahalaan ng bente pesos kada kilo ng bigas.

Ayon kay Palace press officer USec Claire Castri na hindi dapat gamitin ang programang ito sa pangangampanya para sa eleksyon.

Paalala ni Castro, hindi dapat nakabalandra ang mukha ng kahit sinong kandidato saan mang lugar kung saan gagawin ang bentahan ng 20 pesos kada kilo ng bigas, na sisimulan sa Visayas region.

Sinabi ni castro na hindi dapat samantalahin ng mga kandidato ang programang ito na ang pangunahing layunin ay bigyan ng access sa murang bigas ang mga tao.

Dapat aniya ay walang larawan ng kandidato sa gagamiting lagayan ng murang bigas o kaya ay tarpaulin ng sinomang politiko kung saan gagawin ang pagbibenta ng murang bigas.

Sisimulan ang pilot testing ng rice program sa susunod na linggo sa Visayas.