Pinasinungalingan ng Malacañang ang mga paratang ni Senador Imee Marcos na may sabwatang naganap mula sa administrasyon sa ginawang pag aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang katotohanan ang mga sinabi ng senadora.
Inihayag din Castro na hindi na sila nagulat sa tinuran ni Senator Imee, dahil bago pa man nito simulan ang pagdinig ay malinaw na kung ano ang kanyang posisyon o pananaw sa isyu.
Matatandaang inihayag ni Senador Marcos na maglalabas sya ng final result ng kanyang imbestigasyon hinggil sa umano’y planadong hakbang para pabagsakin ang mga Duterte.
Ayon sa kanya, may mga iregularidad sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Duterte na hindi alinsunod sa batas ng Pilipinas.
” Hindi na po siguro kataka-taka kung ganiyan po ang kaniyang magiging panuran, ang kaniyang opinion. Bago pa naman po siguro nag-hearing ay makikita na po natin kung saan ba ang gawi ni Senator Imee Marcos. Of course, ang Palasyo dini-deny kung anuman ang kaniyang opinyon,” pahayag ni USec. Claire Castro