Mariing pinasinungalinan ng Malakanyang ang alegasyon na hinaharang ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kat Executive Secretary Lucas Bersamin, hindi maaaring diktahan ng ehekutibo ang co-equal branch of government.
Nilinaw ni Bersamin na ang naunang pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa impeachment ay opinyon lang nito.
Natanong kasi anya ang Pangulo kung pabor ito sa impeachment na hindi niya maaaring direktang sagutin dahil ang impeachment process ay prerogative ng Kongreso.
Ayon kay Bersamin, maaaring ang naiisip ni Pang. Marcos ay makakaabala lang ito sa pag-usad pero hindi nya naman ito sinasabi sa Kamara.
Sabi ng Executive Secretary, kung magdesisyon ang mga mambabatas na ituloy ang proseso ng impeachment, walang paraan para harangin ito.
Sa kabilang dako, tahasang inakusahan ng Makabayan Bloc si Pang. Marcos siya umano ang dahilan kaya naaantala ang proseso ng tatlo na inihaing impeachment complaints laban kay VP Sara.
Nagpasaring din si ACT Teachers Partylist Rep. France Castro na posibleng may ika-apat pa na impeachment complaint na ihahain sa Kamara bago muli mag break ang Kongreso.