Mariing itinanggi ng Malakanyang na may kinalaman ang palasyo sa blank pages na nakapaloob sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).
Ito’y kasunod sa mga alegasyon na may mga blank pages sa GAA na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin dapat alisin sa kamalayan ng publiko na may kinalaman si Pang. Marcos sa mga nasabing blank pages na nakapaloob sa 2025 national budget.
Giit ni Bersamin na ito ang dahilan kung bakit mariin nila itong pinabulaan na binigyan ang pangulo ng blank check.
Sabi ni Bersamin na internal ito sa kongreso at kanilang nirerespeto ang boundaries sa pagitan ng executive at legislative branch at ito din ang dahilan kung bakit hanggang sa ngayon ayaw nilang mag komento kung sino ang dapat sisihin.
Siniguro naman ng executive secretary na hindi nakinabang ang office of the president sa nasabing blankong pahina.
Dagdag pa nito na fake news ang mga kumakalat na impormasyon dahil binibintang kay Presidente na siyang nag pag-fill up sa nasabing blankong pahina.
Giit pa ni Bersamin napaka malisyoso ang mga nasabing pahayag ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipina-aabot din ni Bersamin sa publiko na walang kinalamang ang Palasyo sa blankong pahina at dapat ang tangungin dito ay ang mga Congressmen at mga senador.
Dahil sa mga naging pagbabago sa pambansang pondo, nagsasagawa ang Pangulo ng konsultasyon upang mabatid kung ano ang epekto sa mga ahensiya ng gobyerno matapos tapsayan ang kanilang budget.
Hinamon naman ni Bersamin si Congressman Isidro Ungab na patunayan ang kaniyang mga alegasyon.