Mariing itinanggi ng Malakanyang na may kinalaman ang palasyo sa pagkakatanggal sa pwesto ni dating House Appropriations Committee Chairman, Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Ito ang nilinaw ni Executive Secretary Lucas Bersamin ng tangungin ito hinggil sa isyu.
Sinabi ni Bersamin discretion ito ng liderato ng Kamara dahil hindi naman nakiki-alam ang executive branch sa legislative branch.
Kung maalala, binakante ang pwesto ng chairmanship ng Appro nuong Lunes sa pagbubukas ng sesyon.
Mismong si Ilocos norte at presidential son Sandro Marcos ang nag mosyon na bakantihin ang chairmanship.
Sa kabilang dako, inihayag naman ni Bersamin na malayang tumakbo sa halalan si VP Sara Duterte.
Reaksiyon ito ni Bersamin sa pahayag ni VP Sara na tatakbo siya sa 2028 presidential election.
Inihayag din ni Bersamin na wala siyang ideya sa dinner ng mga senador at ni PBBM dahil hindi naman siya invited.
Gayunpaman kaniyang sinabi na purely socials lang ito.