Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na walang political persecution laban kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.
Ang pahayag na ito ni Palace Press Officer USec. Claire Castro ay kasunod ng pahayag ni Roque na hihiling siya ng political asylum sa Netherlands.
Si Roque ay nahaharap sa kasong human trafficking at mayruong warrant of arrest mula sa House of Representatives dahilan ng kaniyang pagtatago.
Sinabi ni Castro dapat harapin na lamang ni Roque ang mga kinakaharap nitong kaso sa bansa.
Sa ngayon maghahain pa ng petisyon si Roque sa Netherlands para sa sinasabi nitong asylum at hindi pa ito napapagbigyan.
Paliwanag ni Castro bago ma-grant ang kaniyang petisyon dapat magpalabas muna si Roque na mayruong “founded fear of political persecution” pero wala namang nakikita ang pamahalaan.
Ang mga ebidensiya laban kay Roque na nakalap ng PAOCC ay walang kahirap-hirap dahil nakita ito sa mga dokumento na may kaugnayan siya sa Lucky South 99 na nag-ooperate ng iligal na POGO.
Sabi ni Castro ang mga ebidensiya laban kay Roque ay overwhelming kaya paano ito maging isang political persecution.
Naniniwala naman si Castro na hindi makaka-apekto ang mga kinakaharap na kaso ni Roque dito sa bansa sa paghingi nito ng asylum.