Naniniwala ang Malakanyang na isang “normal consular function” lamang ang paglabas ng travel advisory ng Chinese Embassy dito sa Pilipinas para sa kanilang mga citizen.
Nilinaw naman ni Palace Press Officer USec Claire Castro, na hindi tinatarget ng mga otoridad ang isang partikular na nationality.
Pwera na lamang kung ang mga ito ay sangkot sa mga krimen at iligal na mga aktibidad.
Giit ni Castro walang sinisino ang batas ng Pilipinas lalo na kapag lumabag ang mga ito.
Inihayag ni Castro na posibleng tinukoy ng Chinese Embassy ang mga Chinese nationals na sangkot sa iligal na operasyon ng POGO.
Kung maalala naglabas ng travel advisory ang Chinese Embassy sa kanilang mga mamamayan na nais magtungo sa Pilipinas na magsagawa ng risk assessment dahil sa mga ikinakasang operasyon ng mga otoridad laban sa mga ito.
Binigyang diin ni Castro na handa naman at bukas ang Dept of Foreign Affairs para sa isang pag uusap o diskusyon sa embahada ng china hinggil sa kanilang pangamba.