-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng Palasyo ng Malakanyang na divertionary tactics ang pag-aresto ng Interpol kay dating Pang. Rodrigo Duterte.

Tugon ito ng Malakanyang sa akusasyon ni Davao City Mayor Baste Duterte na ang pag-aresto sa kanyang ama ay diversionary tactic para daw makalimutan ang isyu ng Philhealth at ang 2025 national budget.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na kaya naman nilang ipaliwanag ang usapin sa Philhealth at sa katunayan ay mayroon na ngang talakayan tungkol dito na hindi lang naipalalabas dahil na rin sa ingay sa pulitika.

Tungkol naman sa GAA, nanindigan ang Palasyo sa sumusunod ito sa enrolled bill principle.

Dagdag pa ni Castro sadyang mainit lang na napag-uusapan ang pag-aresto sa dating pangulo dahil sa araw-araw na balita.

Buwelta naman ni Castro, ang tungkol nga sa confidential fund ni Vice President Sara Duterte ang hindi na napag-uusapan sa ngayon dahil sa pag-aresto sa dating Pangulo.