-- Advertisements --

Inulit ng Malakanyang ang panawagan na umuwi na ng bansa si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands.

Sa Press Briefing sa Palasyo sinabi ni Palace Palace Press Officer USec. Claire Castro,tila humihingi na ng saklolo si Roque para lang patunayan ang kaniyang walang basehan na akusasyon laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ang reaksiyon ni Castro ay kasunod ng panibagong patutsada ni Roque na gumagamit umano ng iligal na droga ang Pangulo.

Patunay dito ang kaniyang naging hamon kay presidential sister at Senator Imee Marcos na patunayan na bangag ang Pangulong Marcos.

Dagdag pa ng Palace Official na sa mga pinagsasabi ni Roque ngayon ay maituturing na rin na isa siyang peddler ng fake news.

Sinabi ni Castro si Roque ang nasa likod ng “polvoron video’ na kinasangkutan ni Pangulong Marcos.

Ito ay batay sa rebelasyon ng isang vlogger na si Pebbles Cunanan sa isinagawang pagdinig ng Tricommittee