Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang ang pag aresto kay dating Pangulo Rodrigo Duterte ngayong umaga.
Itoy matapos, kaninang madaling araw natanggap ng INTERPOL Manila ang official copy ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), bandang alas-9:20 ng umaga kanina March 11, 2025, ng dumating sa bansa ang dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang grupo mula sa Hong Kong sakay ng isang commercial flight.
Sa kanyang pagdating, inihain ng Prosecutor General ang ICC notification para sa isang arrest warrant sa dating Pangulo para sa krimen laban sa sangkatauhan o crime against humanity.
Pagtiyak ng PCO na ang dating Pangulo at ang kanyang grupo ay nasa mabuting kalusugan at sinuri ng mga doctor ng gobyerno upang masigurado na siya ay nasa maayos na kalagayan.
Ang mga opisyal ng PNP na nagpatupad ng warrant ay tiniyak na may suot na body camera upang mapatunayan transparency sa pagsilbi ng warrant of arrest.
Sa ngayon, nasa kustodiya na siya ng mga kinauukulan.