-- Advertisements --

Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na magkaroon ng virtual trilateral Phone Call meeting sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr, outgoing US President Joe Biden at Japan Prime Minister Ishiba Shigeru.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez ang nasabing phone call meeting ay naka iskedyul sa darating na Linggo January 12, 2025 at naka kalendaryo sa iskedyul ng Pangulo.

Hindi naman masabi ni Secretary Chavez kung ano ang mga posibleng tatalakayin ng tatlong lider.

Batay sa ulat mula sa White House sa Amerika ang pulong ay pangungunahan ni outgoing US President Biden.

Kasalukuyang nagsasagawa ng kaniyang huling official visit sa bansang Italy si Biden at dito niya gagawin ang nasabing virtual phone call.

Ayon sa US ang nasabing pulong ng tatlong lider ay layong palakasin ang trilateral partnership ng tatlong bansa at ang hakbang para i-secure ang Indo-Pacific region.

Kung maalala nagkaroon ng trilateral summit nuong nakaraang taon sa Washington DCkung saan tinalakay ng tatlong lider ang malawak na isyu kabilang ang security cooperation, infrastructure development at regional economic resilience.

Nuong nakaraang buwan ng Disyembre taong 2024, nagsagawa ang tatlong bansa ng multilateral maritime cooperative activity na layong ipakita ang pangako na protektahan ang international waters at matiyak ang malayang paglalakbay sa karagatan ng Indo-Pacific region kasunod ng tensiyon sa West Philippine Sea.