-- Advertisements --
Naniniwala ang Malakanyang na taktika ni dating Presidential spokesperson Atty Harry Roque ang paghingi nito Ng asylum sa The Netherlands para makatakas sa batas.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, kahit wala pa naman ang asylum application ni Roque ay nagtatago na ito.
Hindi na rin ito nagpakita sa isinasagawang imbestigasyon ng House Quad Committee kaugnay sa iligal na operasyon ng POGO.
Sinabi ni Castro sa pag-apply ni Roque ng asylum sa The Netherlands nakikita paraan ito para makaiwas patungkol sa kaniyang mga transaksiyon sa POGO.
Ayon kay Castro divertionary tactics ito ni Roque para hindi na siya muling matanong sa Quad Comm hearing patungkol sa kaniyang mga transaksiyon.