Kumpiyansa ang Malakanyang na magkakaruon ng positibong epekto ang pagkakaroon ng direktang flight mula Vancouver, Canada patungong Manila at vice versa.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Atty Claire Castro na inaasahan ng magpapalakas sa tourism industry ng bansa ang pagpasok ng Canadian Airline sa Pilipinas.
Sinabi ni Castro na habang makakatulong ang nasabing development para lumago ang cultural connection ng Pilipinas at Canada ay tiyak aniyang may magandang epekto din ito sa ekonomiya ng dalawang panig.
Asahan na Sabi ni Atty Castro na tumaas pang Lalo Ang tourist arrival sa Pilipinas kasunod ng magandang pagkakataong makapagbyahe na walang connecting flights mula Canada Hanggang Pilipinas.
Nitong nakaraan lamang na April 3 nagsimula ang direct flight kung saan ay bumiyahe na mula Vancouver ang Air Canada na may flight code AC17 at dumating sa NAIA ng alas sais kuwatro ng Umaga lulan Ang may 2 daang pasahero.