-- Advertisements --

Kumpiyansa ang Malakanyang na rerespetuhin ng Amerika ang “sovereign prerogative” ng Pilipinas kaugnay sa paghawak nito sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC).

Pahayag ito ni Palace Press Officer USec. Claire Castro kasunod sa nagging pahayag ni Senator Bato Dela Rosa kung saan nanawagan ito kay US President Donald Trump na i-sanction ang mga indibidwal na tumulong sa pag turn-over kay ex-PRRD sa ICC.

Ipinunto ni Dela Rosa ang nilagdaang Executive Order ni Trump nuong Pebrero na nagbibigay otorisasyon ng economic at travel sanctions laban sa mga indibidwal na nagtatrabaho sa ICC at nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga US Citizens at sa mga kaalyadong bansa nito gaya ng Israel.

Nakasaad kasi sa EO ni Trump na maaring tumanggi ang US at maging mga kaalyado nitong bansa sa anumang aksiyon ng ICC.

Giit ni Castro na bagamat kasama ang Pilipinas sa mga kaalyadong bansa ng US, naniniwala ito na kilalanin ng Amerika ang prerogative ng bansa.