Hindi susuportahan ng Malakanyang ang inihaing impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte.
Ito ang binigyang-diin ni EXecutive Secretary Lucas Bersamin sa isang ambush interview matapos ang ginanap na 5th State Conference on the UNCAC Implementation and Review kaninang umaga sa Palasyo.
Sinabi ni Bersamin, walang kinalaman ang Office of the President sa paghahain ng impeachment complaint, dahil malinaw ang naging pahayag ni Pangulong Marcos na ayaw niyang ituloy ito dahil sayang ang oras na dapat mailaan pa sa mga makabuluhang bagay.
Malinaw din ito na hindi politically motivated dahil ito suportado ng pamahalaan.
Inihayag ni Bersamin na siniguro ng House of Representatives na idadaan nila ito sa proseso.
Giit ni Bersamin wala ng sasabihin ang Office of the President dahil malinaw ang naging pahayag ni Pangulong Marcos.