-- Advertisements --

Aminado ang Malakanyang na nababahala sila sa presensiya ng monster ship ng China na nasa loob exclusive economic zone ng Pilipinas.

Dahil dito ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin na hindi tumitigil ang Philippine Coast Guard sa pag challenge sa presensiya ng China coast guard sa teritoryo ng bansa.

Sinabi ni Bersamin ang presensiya ng monster ship ng China sa loob ng teritoryo ng bansa ay layong mag intimidate sa ating mga mangingisda.

Dagdag pa ni ES Bersamin dalawang bagay ang ipinatutupad na aksyon dito ng gobyerno.

Una ay ang patuloy na paghahain natin ng diplomatic protest laban sa china.

Ikalawa ang paraan ng vice ministerial conference na salitang hino host ng Pilipinas at Beijing

Sa nasabing conference tinatalakay ang pagresolba sa mga isyu sa west philippine sea na nagdudulot ng hindi pagkakaunwaan ng mga bansa.

Kabilang sa mga isyung ito ay ang panghihimasok ng china sa eez ng bansa, usapin ng maritime domain at pangha harrass sa ating mga mangingisda at mga tauhan ng PCG.

Kung mayroon man aniyang mas matindi pa rito ay iniaakyat na ito sa usaping pandaigdigan o international.

Namataan nuong Sabado ang monster ship sa may bahagi ng Capones island sa Zambales, at ngayon ay nasa bahagi na ito ng Occidental Mindoro malapit sa Lubang Island.

Una ng inihahayag ng National Security Council hindi tumitigil sa pag shadow o pagsubaybay ang barko ng PCG ang BRP Cabra sa monster ship ng China.