-- Advertisements --

Naglabas ng gabay ang palasyo ng Malakanyang hinggil sa petsa ng mga holiday ngayong Holy Week.

Batay sa inilabas na advisory ng Official Gazette, regular holidays ang March 28 na Huwebes Santo at March 29 na Biyernes Santo.

Ito ay alinsunod sa proclamation number 368 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Habang ang March 30, araw ng Sabado ay deklaradong additional special non working day.

Ayon sa Palasyo, mahaba habang bakasyon ito para sa pag obserba ng semana santa o holy week ngayong taon.

Wala pang anunsiyo ang Malakanyang kung ang March 27, ay ideklarang half day.

Sa Miyerkules may event na dadaluhan ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr ito ay ang turn-over ceremony sa Philippine National Police kung saan nakatakda ng magretiro si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda.