-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Kararating lang sa probinsya ng Cotabato ang mga Locally Stranded Individual (LSI) mula sa Maynila.

Dumating sa paliparan ng General Santos city ang mga LSI sakay ng sweeper flight na inilaan ng tanggapan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinundo ito ng TaskForce Sagip Stranded North Cotabateños pabalik ng probinsya.

Labing walong (18) LSI(s) ang lulan ng Skyjet na lumapag sa General Santos City International airport at diritso agad decontamination area sa Brgy Amas kidapawan City bago ma-turn over sa kanilang LGU of origin.

Nabatid na sumailalim na sila sa rapid diagnostic test bago pa man naisakay sa eroplano.

Naghayag ng pasasalamat si Governor Nancy Catamco sa tulong ng tanggapan ng Pangulo at nang Presidential management staff (PMS) na syang sumangguni sa kanyang tanggapan.

Hiling ngayon ng Gobernadora sa lahat ng LSI ang kooperasyon sa pagsasailalim sa 14-day Quarantine upang matiyak ang kaligtasan ng kani-kanilang pamilya.

Pumalo na 10,000 pamilya ang natulungan ng programang TF Sagip Stranded North Cotabateños na makabalik sa probinsya at makapiling ang kanilang mahal sa buhay sa kaligitnaan ng covid pandemic.