Tatlong cabinet secretaries ang itinalaga ngMalacañang na magiging caretaker ng bansa, kasunod ng byahe abroad ni Pangulong Bongbong Marcos ngayong araw patungong Vientiane Lao para dumalo sa ika-44th at 45th ASEAN Summit and Related Summit.
Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cesar Chavez na tatayong caretaker sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Department of Justice Secretary Boying Remulla, at Department of Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella.
Ito naman ang unang pagkakataon na hindi naging caretaker ng bansa si Vice President Sara Duterte habang wala ang Pangulo sa bansaa.
Huling naging caretaker ng bansa si Duterte noong bumyahe ang Pangulo sa Singapore para dumalo sa Shangri-la dialogue buwan ng Mayo.
Matatandaang June nitong taon nang maghain ng resignation si VP Sara bilang myembro ng Gabinete ng Pangulo.