Nakiisa ang iba’t ibang tanggapan na nasa loob ng Malakanyang complex sa 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) na isinagawa kaninang umaga.
Exacto alas-9 ng umaga kanina ang pagsisimula ng Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.
Ang NSED ay naglalayong ihanda ang mga response teams at publiko sa mga nararapat na gawin sa tuwing mayroong maramdamang lindol o kahit na anumang sakuna na maaaring mangyari sa lugar.
Layon din nito na palakasin ang kamalayan ng publiko sa mga paghahanda at gagawin sa sandaling tumama na ang pinangangambahang “the Big One”.
Kasabay nito nagsilabasan ang kawani ng Malakanyang kung saan ay nagsagawa ng “Drop, Cover and Hold.”
Asahan aniya sa mga susunod na Earthquake Drill ay may mga masasaksihang bagong scenario ang publiko upang lalo pang mapatatag ang kamalayan at pagtugon tuwing may lindol.