Naniniwala ang Malakanyang na ang pagpapakalat ng pekeng balita na maraming mga sundalo at pulis ang nagresign sa serbisyo ay para kumuha ng simpatya para sa dating pangulo na inaresto dahil sa kasong crime against humanity.
Sinabi ni Castro na marami ang nagpapakalat ng ganitong impormasyon para makakuha pa ng suporta sa publiko.
Nanawagan ang palasyo sa publiko na maging mahinahon at maingat sa mga lumalabas na kasinungalingan sa social media.
Giit ng Palace Officer na huwag kalimutan ng publiko ang mga biktima ng extra judicial killings sa ilalim ng dating administrasyong Duterte.
Sinabi ni Castro dahil walang katotohan ang ulat na nagresign ang ilang mga sundalo at Pulis, kampante ang Pangulong Marcos sa kasalukuyang lagay ng bansa.
Kung maalala nagsilabasan ang mga ulat sa social media na maraming pulis at sundalo ang nag resign bilang suporta kay dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ito maaresto.
Kapwa naman ito itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Samantala, walang nakikitang pangangailangan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magsagawa ng loyalty check sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa Philippine National Police (PNP).
Ito’y kasunod sa kumakalat na ulat sa social media na maraming mga sundalo at pulis ang nag resign bilang suporta kay dating pangulong Rodrigo Duterte na inaresto batay sa warrant of arrest na inilabas ng International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Castro, na kampante si Pang. Marcos sa mga naging aksyon ng gobyerno na ipa-aresto ang dating pangulo dahil ginawa lang nito kung ano ang naaayon sa batas.
Babala ni Usec Castro , marami ngayon ang mga nagkakalat sa social media ng ibat ibang mga kwento na wala namang katotohanan para lumaki ang simpatya kay dating pang. Duterte.
Ngunit binigyang diin niya na hindi dapat ipikit ang mata sa kung ano ang katotohanan at sa usapin ukol sa sinasabing extra judicial killings noong nagdaang administrasyon.
Apela ni Castro sa taong bayan, ibukas ang kanilang mga mata sa katotohanan na may mga naging biktima ang war on drugs at mga mga reklamo sa ICC ay noon pang 2017 isinampa na hindi pa panahon ng panungkulan ni Pang. Marcos.
Nilinaw din ni Castro na walang binanggit si PBBM kaugnay sa naging pangako nito kay Sen. Bato Dela Rosa