Pinag-aaralan ngayon ng Malakanyang ang posibilidad na mapalawig pa ang termino ni PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil hanggang matapos ang halalan sa May 2025.
Reaksiyon ito ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa gitna ng mga mungkahi at argumento ukol dito.
Sa isang panayam sinabi ni Pang. MArcos na malakas ang argumento na nagsasabing hindi makabubuti sa katatagan ng bansa kung papalitan sa kalagitnan ng panahon ng kampanya at sa nalalapit na panahon ng eleksyon ang pinuno ng pambansang pulisya.
Dahil dito sinabi ni Pang. Marcos na pinag aaralan aniya nila ang argumentong ito na nakikita niyang malakas na dahilan para nga panatilihin muna si marbil sa pwesto hanggat hindi natatapos ang eleksyon.
Nabatid na si Marbil nakatakdang magretiro sa pebrero ngayong taon.
“ Well, there is a very strong argument that it would be, it would not be good for stability especially to change the chief PNP in the middle of a campaign period and approaching an election period. So pinag aaralan namin, but I think that is probably a very strong argument to keep him on. At the very least, until after the elections,” pahayag ni Pang. Marcos.