-- Advertisements --

Walang moral authority si dating Chief Presidential legal counsel Salvador Panelo na kwestiyunin ang desisyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., particular ang paglabas nito ng Executive Order No. 81, na nagre-reorganized sa National Security Council (NSC).

Ito ang inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Sa isinagawang reorganization ng NSC tinanggal si Vice President Sara Duterte bilang panel ng konseho.

Sinabi ni Bersamin na nuong nasa pwesto pa si Panelo kaniya din isinusulong na tanggalin sa NSC panel si dating Vice President Leni Robredo.

Binigyang-diin ni Bersamin na ang NSC ay nagsisilbing advisory body ng Pangulo bilang Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines.

Dagdag pa ni Bersamin na responsibilidad ng Pangulo ng bansa na tiyakin ang mga nagbibigay ng advise sa kaniya ay mayruon siyang tiwala at kumpiyansa.

May karapatan at otoridad ang Pang. Marcos na i-reorganize ang mga government offices.

Paglilinaw ni Bersamin walang personal sa paglalabas ng Pangulo ng EO 81.