Dinepensa ng Malakanyang ang layunin ng Executive Order No. 81 na inilabas ni Pang. Ferdinand Marcos Jr para sa reorganization ng National Security Council.
Ayon kay Executive Sec. Lucas Bersamin, ito ay para gawing mas episyente at epektibo ang membership ng NSC.
Sabi ni Bersamin, sa ngayon ay hindi ikinukinsiderang relevant ang bise presidente sa mga responsibilidad ng konseho.
Gayunpaman, may kapangyarihan naman anya ang Pangulo na magdagdag ng mga miyembro at advisers kung kakailanganin.
Binalasa ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng National Security Council kung saan tinanggal ang bise-presidente at mga dating pangulo bilang mga miyembro nito.
Napag-alamamg dati na ring nagkaroon ng mga pagbabago sa organisasyon ng NSC sa mga nakalipas na administrasyon partikular sa ilalim ng liderato nina dating Pang. Fidel Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo.
” EO 81 s. 2024 is issued to reorganize and streamline the membership of the NSC. At the moment, the VP is not considered relevant to the responsibilities of membership in the NSC. Nonetheless, when the need arises, the EO reserves to the President the power to add members or advisers,” mensahe ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin.