Inihayag ng Malakanyang na malaking tulong sa ating mga kababayan ang pag-alis ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) sa 45-day benefit limit partikular para sa mga kababayan natin na sumasailalim sa hemodialysis.
Sinabi ng Palasyo maiibsan na ang pasanin ng ating mga kababayan na hikahos sa buhay.
Ang pag-alis ng Philhealth sa 45-day benefit limit ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer USec Claire Castro, ang pag-alis ng Philhealth sa 45-day limit ay para matiyak na ang mga serbisyo ng ahensiya ay mananatiling walang hadlang.
Sinabi ni Castro maraming mga serbisyo ang kinakailangan ng higit 45 days na coverage gaya na lamang ng hemodialysis.
Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na malaking tulong ito para sa mga kababayan natin na nag hemodialysis.
Sa nasabing 45-day benefit limit nuon, pinapayagan ang mga Philhealth members ng maximum of 45 days
of hospital confinement sa bawat taon.
Ngayong inalis na ito mas magkakaroon ng inclusive approach para sa iba pang medical services.
Sa panig naman ni PhilHealth Acting President and Chief Executive Officer (CEO) Edwin Mercado na nais nila na ang mga Pilipinong may malulubhang sakit, chronic conditions, o nangangailangan ng mahaba-habang pagpapaospital ay patuloy na makatanggap ng serbisyong pangkalusugan nang hindi pa nag-aalala kung sila ba ay mababaon sa utang.