-- Advertisements --

Malaya ang sinoman kabilang si Rep. Isidro Ungab na hamunin ang legalidad ng 2025 National Budget sa Korte Suprema. 

Ito ang binigyang-diin ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa gitna ng kinu-kwestyong blankong bahagi ng bicam report ng 2025 budget. 

Ayon kay ES, hindi naman mapipigilan ng Palasyo ang mga indibidwal na gustong kwestyunin o hamunin ang legalidad ng pambansang pondo. 

Gayunpaman, binigyang diin ng kalihim, na kung talagang nagkaroon ng pagkukulang o mali sa nilalaman ng budget, ang Kongreso at hindi sila sa Ehekutibo ang mananagot, lalo’t sa bicam report na bersyon nito nakita ang mga kinu-kwestyon blankong pahina.

Kumpiyansa naman si Bersamin na walang magiging epekto sa GAA o hindi ipahihinto ng Korte Suprema ang implementasyon ng budget, lalo’t kailangang magpatuloy ang takbo ng government offices. 

Ito ay kahit pa, manghingi ng TRO ang mga maghahain ng petisyon.