Iniulat ng Palasyo na natukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang posibleng source sa deepfake audio ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa ulat ni Philippine National Police (PNP)spokesperson P/Col. Jean Fajardo sa Malakanyang na kanila ng natukoy ang posibleng source deepfake technology na ginamit ang boses ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Paliwanag ni Fajardo, sa ngayon kanila ng iniimbestigahan ang lawak ng pagkakasangkot ng nasabing source.
Pinangungunahan ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang imbestigahan hinggil sa deepfake audio recording ni Pangulong Marcos na maituturing na isang malisyoso, manipulative at edited na materyal gamit ang artificial intelligence (AI).
Sa ngayon, na take-down na ng ACG ang deepfake audio.
Inihayag ni Fajardo na ang role ng PNP sa imbestigasyon ay sa aspetong teknikal na layong matukoy ang posibleng location o pinagmulan ng deepfake audio.
Siniguro naman ni Fajardo kanilang sisiguraduhin na mananagot ang mga taong nasa likod ng deepfake audio.
“Whether this is intentional or not, those people behind this deepfake audio will be held accountable,” pahayag ni Fajardo.
Inatasan na ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) papanagutin ang ang mga indibidwal na sangkot sa deepfake audio at sampahan ng kaukulang kaso ang mga ito.
Sa kabilang dako, nagbabala naman ang Presidential Communications Office (PCO), sa paglipana ng mga malisyosong materials sa social media platforms.