-- Advertisements --

Naiintindihan ng Malakanyang ang naging opinyon ng abogado ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa pagtatanggol sa kanyang kliyente.

Tugon ito ng Palasyo nang mahingan ng reaksyon sa pahayag ni Nicholas Kaufman na ang nakikita nitong pinakamalaking hamon ay ang posibleng political manipulation of arguments.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na mas maganda kung malalaman ni Kaufman kung sino ang nagmamanipula kanino.

Tanong pa ni Castro, alam kaya ng abogado ang pinagdaraanan ng mga biktima ng EJK na dumaranas ngayon ng harassment mula sa mga tagasuporta ni Duterte.

Dagdag ng opisyal, mahihirapan din talaga si Kaufman lalo na sa ginawang pag-amin ng dating Pangulo sa mga ginawang pagpatay.

Pero ayon kay Castro, kinikilala pa rin naman nila na inosente ang isang suspek hangga’t hindi napatutunayang nagkasala.