-- Advertisements --
Sinuspinde na ng malakanyang ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa national capital region simula alas dos ngayong hapon dahil sa patuloy na mga pag ulan na dala ng habagat at ng bagyong carina.
Ito ang inianunsyo ng malakanyang sa pamamagitan ng inilabas na memorandum circular number 57 na pirmado ni executive secretary lucas bersamin.
Gayunpaman, ang mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa paghahatid ng pangunahing serbisong pangkalusugan, paghahanda at pagtugon sa kalamidad at sakuna at iba pang pangunahing tungkulin at serbisyo ay tuloy lamang ang operasyon.
Para naman sa mga pribadong kumpanya, ipinauubaya na ng palasyo sa kani kanilang pamunuan pagpapasya hinggil dito.