-- Advertisements --

Naglabas na ng Memorandum Circular 76 ang Malacanang na nagdedeklarang walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at paaralan sa lahat ng antas sa mga siyudad ng Pasay at Maynila sa darating na Lunes, January 13.

Ang deklarasyon ay ginawa sa harap ng nakatakdang peace rally ng Iglesia ni Cristo na inaasahang daragsain ng mga miyembro nito mula sa ibat- ibang lalawigan na manggagaling sa ibat-ibang lugar saLuzon.

Batay sa inilabas na Memorandum Circular, ipinauubaya na ng Palasyo sa mga pribadong kumpanya kung susundan ang deklarasyon at isuspinde din ang pasok ng kanilang mga empleyado.

Ang Memorandum Circular 76 ay nilagdaan ngayong araw, January 10,2025 ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Magsasagawa ng “Pambansang Rally para sa Kapayapaan” ang INC sa Quirino Grandstand.