Tinawag na deepfake ng Malakayang ang kumalat na video sa social media na gumamit sa boses ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung saan tila nagpapahiwatig na ito ng giyera laban sa isang bansa.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang deepfake ay isang advanced na klase ng digital content manipulation sa pamamagita ng ng generative artificial intelligence.
Nilinas naman ng Palasyo na walang anumang direktiba ang Punong Ehekutibo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na giyerahin ang anumang bansa.
Sinabi ng PCO na walang direktang pinatutungkulang bansa ang Malakanyang ngunit mababatid na may isang kumalat na video kung saan sinabi ng Pangulo na lalaban na ang bansa sa China dahil sa patuloy nitong pag-aangkin sa teritoryo ng Pilipinas.
Nakikipag-ugnayan na sa ngayon ang PCO sa Department of Information and Communications Technology, National Security Council, National Cybersecurity Inter-agency Committee at maging sa mga private sectro upang matugunan ang pagkalat at malisyosong paggamit ng mga video at audio deepfakes at iba pang generative Artificial Intelligence content.
Hinimok naman ng Palasyo ang publiko na maging aktibo sa paglaban sa fake news, misinformation, disinformation at maging responsable at maingat sa pag share ng mga content sa social media.