-- Advertisements --

Pinatututukan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang kaso ng tatlong Pilipino na inakusahan ng pang-eespiya sa China.

Sa press briefing, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na inatasan ng Pangulo ang kaukulang mga ahensya na bigyan ng legal assistance at iba pang kinakailangang tulong ang mga ito.

Tumanggi naman ang Palasyo na magkomento kung maaaring gumaganti ang China dahil sa pagkakaaresto sa hinihinalang Chinese spies sa Pilipinas.

Katwiran ni Castro, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon tungkol sa bagay na ito.

Una rito, nagpahayag ng pagkabahala ang National Security Council sa pagkakaaresto ng tatlong Pinoy na sinabing mga ordinaryong mamamayan lamang.

Pinagdudahan rin ni NSC Assistant Dir. Gen. Jonathan Malaya ang footage na ipinalabas ng Chinese state television tungkol sa pag-amin umano ng tatlo dahil mistulang scripted anya ang kanilang sinasabi.